Love at First Sight (Part 1)

Tagalog Love Story hindi talaga sa akin pero pinost ko na para mabasa niyo... medyo mahaba pero paiiksiin ko .. may part 1-4 siya.. kaya watch out!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

once upon a time, may isang girl na pangalan ay "Joey" ...


si Joey ay laking mahirap.. ang kanyang ama ay namatay bago pa man siya isilang.. at ang kanyang ina ay binubuhay sila sa paglalaba ng mga damit.. may kapatid siya sa ika-apat na baitang... at siya ay nasa 2nd year high school na... nakakapag-aral siya dahil sa scholarship nanatanggap niya mula sa mayor ng kanilang lalawigan.

Bata pa lang si joey ay nangangarap na ito na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina at kapatid. Isa na rin sa mga pangarap niya ang magkaroon ng lalaking mamahalin siya habang-buhay.. May kagandahan naman si Joey ngunit siya ay laging nakasuot ng mga damit na parang manang kaya't nagmumukha siyang probinsyana at siya'y nakasalamin kaya't mukhang nagmumukha siyang weird..

Isang araw,na-traffic si joey sa kanyang daan patungong eskwelahan kaya't minabuti niya nang maglakad mula sa kanto ng kanilang paaralan.. Ngunit habang naglalakad siya ay parang napansin niya ang oras .. malapit na dumating ang kanilang guro sa unang subject nila..

"Naku!! panu yan!! male-leyt na ako.!!!" -joey

kaya minabuti niya nang tumakbo.. habang tumatakbo siya ang parang may narinig siyang kumalabog sa kanyang bag at napalingon siya at di napansin na may lalaking nakatalikod na malapit niya nang mabangga! 

Kabuug! Nabangga niya ang lalaki at natumba sila.. pagkatumba ay tumayo siya agad .. Pagkatingin niya dun sa lalaki parang agad na nabihag ang puso niya at parang tumatalon sa sobrang kilig..

"Sorry miss! ok ka lang? ako nga pala si Ricky" -ricky

Gusto na sana niyang sumagot ngunit mas naisipan niyang sungitan na lamang ito.

"anong ok? tingin mo ba ok lang ako pagkatapos kong matumba?"-Joey

"FYI hindi ako ang may kasalanan kung bakit tayo natumba noh! sana kasi tinitignan mo yung dinadaanan mo!" -ricky

at parang lalong nainis si joey..

"so sinasabi mo na ako ang may kasalanan? bakit ka ba kasi nakatayo jan ha? paharang-harang ka kasi eh!" -joey

SABAY WALK-OUT!

Late na late na talaga siya kaya minabuti niya nang umuwi kesa maparusahan siya..

Itutuloy...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento